Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Mapanas sa Northern Samar.
Sa abiso ng PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa 38km hilagangsilangan ng nasabing bayan.
May lalim na 7km ang pagyanig at tectonic ang pinagmulan nito.
Alas-11:43 ng gabi ng Huwebes nang maramdaman ang lindol at wala naman itong inaasahang pagkasira o aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES