Naramdaman ang isang pagyanig sa bayan ng Divilacan, Isabela kaninang alas-12:09 ng hatinggabi.
Batay sa impormasyon mula sa PHIVOLCS, isang magnitude 3.0 na lindol ang naitala sa 51km hilagangsilangan ng Divilacan.
May lalim ang ito na 34km at tectonic ang pinagmulan.
Ayon pa sa PHIVOLCS, walang inaasahang anumang pagkasira ng mga ari-arian maging aftershocks dulot ng nasabing pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.