Pulse Asia: Mayorya ng Pinoy pabor na manindigan sa West PHL Sea

By Len Montaño July 12, 2018 - 08:44 PM

Naniniwala ang nasa 73% ng mga Pinoy na dapat igiit ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng administrasyon nito ang soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea kasabay ng panalo ng bansa sa Permanent Court of Arbitration noong July, 2016.

Sa Pulse Asia survey mula June 15 hanggang June 25, nasa 46% ang pabor at 27% ang medyo pabor na dapat igiit ng administrasyong Duterte ang ruling na napawalang-bisa sa nine-dash line claim sa West Philippine Sea portion ng South China Sea.

Nasa 17% ang nasa gitna habang 4% ang medyo tutol at 3% ang tutol sa pagpapatupad ng desisyon.

Aminado naman ang 2% sa 1,800 respondents na wala silang sapat na kaalaman sa siyu para magbigay ng opinyon habang 0.4% ang talagang walang ideya sa desisyon ng international tribunal.

Samantala, umaabot sa 34% ng mga Pinoy ang nagsabi na dapat maghain ang bansa ng diplomatic protest sa Chinese embassy sa Pilipinas laban sa patuloy na militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Naniniwala naman ang 22% na dapat palakasin ng Pilipinas ang ugnayang militar sa Amerika, Japan, Australia at sa ibang bansa at 16% ang nais na palakasin ng Pilipinas ang kapabilidad ng sariling militar nito sa pagtatanggol sa mga teritoryo ng bansa.

Lumabas din sa survey na mataas pa rin ang tiwala ng mga Pilipino sa Estado Unidos, Japan at Australia kumpara sa China na nasa 17% lamang.

TAGS: China, duterte, Pulse Asia Survey, West Philippine Sea, China, duterte, Pulse Asia Survey, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.