P60-M na ibinayad ng DOT sa Bitag productions hindi pa naibabalik

By Chona Yu July 12, 2018 - 08:28 PM

Umaasa pa rin ang Malacañang na isasauli ng Tulfo brothers ang P60 Million na ibinayad ng Department of Tourism (DOT) sa Bitag Media Unlimited ni Ben Tulfo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang kampo ng mga Tulfo ang nag-alok na ibabalik ang pera subalit hanggang ngyaon ay wala pa.

Kasabay nito, ipinauuubaya na ng palasyo sa sa Ombudsman ang pag-aksyon sa Commission on Audit (COA) report na nagsasabing may “conflict of interest” sa kontrata dahil magkapatid sina dating Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo at Ben Tulfo na may-ari ng Bitag Media Unlimited.

Ang nasabing production company ang producer ng TV show na “Kilos Pronto” kung saan naglagay ng advertisement ang DOT.

Inihayag ni Roque na mabagal lang ang Ombudsman pero nagsasampa naman sila ng kaso kinalaunan kung may basehan.

TAGS: ben tulfo, bitag, COA, ombudsman, ptv 4, Roque, teo, ben tulfo, bitag, COA, ombudsman, ptv 4, Roque, teo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub