Malacañang naglatag na ng plano sa localized peace talks sa NPA

By Chona Yu July 12, 2018 - 06:40 PM

Inquirer file photo

Inihahanda na ng Malacañang ang isang executive order na magsisilbing guiding framework sa localized peace talks sa New People’s Army.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa localized peace talks ay didiretso na ang pamahalaan at bibigyang kapangyarihan ang mga lokal na opisyal na makipag-usap sa mga combatants kapag hindi pumayag si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na sa Pilipinas gawin ang peace talks.

Pitong kundisyon ang inilatag ng pamahalaan sa localized peace talks gaya halimbawa ay national orchestrated, centrally directed at locally supervised ang pag-uusap.

Dapat rin na ang amnesty package ay base sa disarmament, demobilization, rehabiliation at reintegration sa lipunan at iba pa.

Naglatag din aniya ang pamahalaan ng apat na localized peace engagement at ito ang localized peace talks, community dialogue, local peace package at confidential dialogue.

TAGS: CPP, Joma Sison, local officials, NPA, Roque, CPP, Joma Sison, local officials, NPA, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.