Marquez inindorso ng grupo ng mga hukom bilang SC justice

By Alvin Barcelona July 12, 2018 - 06:36 PM

Inquirer file photo

Inirekomenda ng Philippine Judges Association ang appointment ni Court Administrator Midas Marquez bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema.

Ginawa ito ng grupo sa isang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng nalalapit na pagreretiro ni Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco Jr.

Naniniwala ang grupo na taglay ni Marquez ang karanasan para sa posisyon dahil sa tatlong dekada nitong paglilingkod sa Supreme Court sa iba’t ibang kapasidad.

Nanindigan ang grupo na karapat-dapat si Marquez sa posisyon dahil sa integridad at competence nito.

Naniniwala rin ang grupo na malaki ang maiaambag ni Marquez sa institusyon ng Korte Suprema.

TAGS: Justice, midas marquez, philippine judges association, Supreme Court, Justice, midas marquez, philippine judges association, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.