Mga militanteng kongresista itinanggi na sila ang nasa likod ng “red tarpaulin”

By Erwin Aguilon July 12, 2018 - 06:22 PM

Pinabulaanan ng Makabayan bloc sa Kamara na nasa likod sila ng mga nakakabit na tarpaulin sa ilang pedestrian overpass sa Metro Manila na nagsasabing “Welcome to the Philippines, Province of China.”

Sinabi ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na hindi sila ang may pakana ng naturang gimmick.

Paliwanag nito, Wala silang pondo para gawin ang nasabing palabas.

Kung mayroon din naman anya silang pondo at hindi nila ito gagawin dahil mas nanaisin nila na gamitin ang pera sa mas makubuluhang bagay.

Kabilang dito ang kanilang paghahanda para sa mga pagkilos na kanilang gagawin para sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Hulyo 23.

Posible anya na ang “dark joke” na ito ay pakana ng ibang kritiko ng pangulo para ipahayag daw ang “reyalidad” ngayon sa Pilipinas sa pamamagitan ng “sarcasm.”

TAGS: makabayan, red tarpaulin, zarate, makabayan, red tarpaulin, zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.