Sotto hihirit pa rin para payagang makapagtrabaho si Sen. De Lima

By Jan Escosio July 12, 2018 - 06:16 PM

Inquirer file photo

Nakarating na kay Senate President Tito Sotto III ang pagbasura ng PNP sa hiling niya na makapagdaos si detained Sen Leila de Lima ng pagdinig sa kulungan nito sa Camp Crame.

Ayon kay Sotto, pag-aaralan pa nito ang iba pang opsyon para matupad ang kanyang nais.

Aniya ayaw naman niyang palabasin na inuutusan niya ang korte na payagan si De Lima na makapagsagawa ng pagdinig ang pinamumunuan nitong Senate Committee on Social Justice sa loob ng PNP custodial center.

Kahapon ay sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na hindi nila maaring pagbigyan ang gusto ni Sotto sa katuwiran na si De Lima bilang detenido ay nawalan na ng karapatan na gampanan ang kanyang tungkulin sa bayan.

Itinuro ng hepe ng PNP ang korte na siyang maaring magsabi kung puwede ang gusto ni Sotto.

Magugunita na sa sulat ni Sotto kay Albayalde sinabi nito na marami ng mahahalagang panukala na nakabinbin sa komite ni De Lima kaya’t nais niya na makapagsagawa ng pagdininig ang senadora kahit sa loob ng kulungan.

TAGS: albayalde, de lima, PNP, senate committee, Sotto, albayalde, de lima, PNP, senate committee, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.