Daloy ng trapiko sa NLEX naabala dahil sa aksidente sangkot ang isang tanker

By Ruel Perez October 22, 2015 - 08:08 AM

12166942_917023178364241_1721180279_n
Kuha ni Ruel Perez

Naaabala ang mga motorista na bumabagtas sa northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) matapos na lumihis ang unahang bahagi ng isang tanker dahilan para mabangga ito ng sumusunod sa kaniyang SUV.

Naganap ang aksidente sa pagitan ng Mindanao Avenue at Valenzuela.

Ayon kay Mario Asual, driver ng Toyota Innova na may plate number AAP 4646, bigla na lamang huminto ang tanker na nasa harapan niya at lumihis ang unahang bahagi nito.

Ang unahang bahagi ng nasabing tanker ay humarang sa bungad ng Innova kaya nabangga ito ni Asual.

Nakilala naman ang driver ng tanker na may plate number na THE 803 na si Rudy Yape.

Ang nasabing tanker ay may lamang liquid gas.

Hindi naman masabi ni Yape ang dahilan kung bakit biglang lumihis pakanan ang bungad ng kanyang minamanehong 20-wheeler na truck.

TAGS: accidentalongNLEX, accidentalongNLEX

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.