Umiigiting ang mga kilos-protesta laban sa posisyon ng Administrasyong Duterte sa usapin sa West Philippine Sea ayon kay acting Chief Justice Antonio Caprio.
Ipinahayag ito ni Carpio kaugnay ng pagkalat ng tarpaulins na may nakasulat na “Welcome to the Philippines, Province of China.”
Ibinahagi ni Carpio na batay sa mga karanasan sa mga nakalipas na administrasyon kapag ginagawa nang katatawanan ng mga tao ang administrasyon ay nangangahuligan itong nawawalan na sila ng suporta at respeto sa gobyerno.
Kasabay nito, muling iginiit ni Carpio ang kanyang panawagan sa Pilipinas na makipagtulungan sa iba pang claimants ng South China Sea para markahan ang exclusive economic zones para maiwasan ang gulo.
Aniya, lahat ng bansa, lalo na ang China ay interesado ring mapangalagaan ang rule of law sa mga kontrobersyal na teritoryo.
Ilang tarpaulins na nagsasabing probinsya ng China ang Pilipinas ang ikinalat sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.