Nang-aasar lamang daw ang mga nagkalat na tarpaulins kung saan nakasulat ang “Welcome to the Philippines, Province of China.”
Ayon kay Jojo Garcia, General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, maaaring nais lamang na mang-inis ang mga taong responsable sa pulang tarpaulins na isinabit sa ilang footbridges sa Kalakhang Maynila.
Gayunman, inamin ni Garcia na walang CCTV sa ilang lugar kung saan matatagpuan ang mga tarpaulin.
Tiniyak naman ni Garcia na gagawa sila ng sariling imbestigasyon ang MMDA ukol sa mga naglipanang red tarpaulins.
Nitong umaga, agad nagviral sa social media ang mga litrato ng red tarpaulins, na nagkataon namang sa ikalawang anibersaryo ng tinatawag na landmark international ruling sa The Hague na pumapabor sa Pilipinas kontra China ukol sa usapin sa West Philippine Sea.
Tinanggal na ang mga tarpaulin ng ilang street sweepers at concerned citizens.