Mga COA report laban kay ex-DOT Sec. Wanda Teo, malaki ang maitutulong sa inbestigasyon ng Ombudsman – Morales
Kumbinsido si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na makakatulong sa kanilang pagsisiyasat ang mga nadiskubre ng Commission on Audit o COA laban sa dating kalihim ng Department of Tourism na si Wanda Teo.
Sa panayam kay Morales sa forum on Integrity and Investments, sinabi niya na malaki ang maitutulong ng COA Report sa isinasagawang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman ukol sa mga kwestiyonableng transakyon na ginawa ni Teo noong siya pa ang DOT Secretary.
Kabilang dito ang maanomalyang TV ad deal sa PTV-4, kung saan dawit din ang ilang sa Tulfo Brothers o kapatid ni Teo, maging ang “shopping spree” umano ni Teo sa Duty Free.
Batay sa COA, maaaring “liable of graft” si Teo dahil sa ad placements ng DOT noon sa BITAG Media na pag-aari ni Ben Tulfo, lalo’t makikitang may conflict of interest.
Nilinaw naman ni Morales na kahit pa isauli ang pera, hindi ito otomatikong mag-aabswelto kay Teo sa anumang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.