Iimbitahan ng Philippine National Police ang Commission on Human Rights para obserbahan ang mga protesta sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay National Capital Region Police Office director Chief Supt. Guillermo Eleazar, tinatayang 15 kinatawan ng CHR ang pasasamahin nila sa sub-task groups ng PNP para tiyakin ang karapatan ng mga rallyista.
Sinabi ni Eleazar na kung hindi man kaya ng CHR na magpadala ng 15 kinatawan, sasapat na kahit na isang kinatawan lamang na mag-oobserba sa command center.
Tiniyak naman ng NCRPO chief na ipatutupad ng pulisya ang maximum tolerance. Aniya pa, hindi rin sila maghaharang ng container vans at abrbed wires.
Ayon kay Eleazar, wala pa naman silang natatanggap na banta sa segurdad.
Aabot naman sa 6,000 pulis ang ipakakalat ng NCRPO sa araw ng SONA ng Pangulo, at magdadagdag ng pwetsa mula sa kalapit rehiyon kung kakailanganin.