Ayon House Majority Leader Rodolfo Fariñas, sinuspende nila ang pagtalakay 10:05 kagabi pero wala pang “final clean copy.”
Kailangan pa anyang resolbahin ang magkaibang bersyon ng dalawang kapulungan may kaugnayan sa telecommunications, franchise at ilan pang usapin.
Sinabi ni Fariñas na reresolbahin nilang lahat ngayong araw ang mga hindi pinagkakasunduang probisyon ng BBL at tatangkaing maaprubahan na ito.
Nauna rito, nakipagpulong anv mga lider ng Senado at Kamara kay Pangulong Duterte upang kunsultahin sa isyu ng pagsasama sa 39 na barangay ng North Cotabato at anim na bayan sa Lanao del Norte sa Bangsamoro Region.
Napagkasunduan sa pulong na sundin ang berson ng Kamara na kailangang isama sa botohan sa plebesito ang mga registered voters ng buong lalawigan ng North Cotabato at Lanao del Norte.