Tarpaulin na nagsasabing probinsya ng China ang Pilipinas, pinababaklas ng pamahalaan ng QC

By Dona Dominguez-Cargullo, Rohanisa Abbas July 12, 2018 - 12:13 PM

Pinababaklas ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga tarpaulin na may nakasulat na “Welcome to the Philippines, Province of China.”

Inatasan ng pamunuan nito ang Department of Public Order at Safety Park Department at mga barangay na alisin ang naturang mga tarpaulin.

Hindi naman malinaw kung sino ang nagkabit ng mga ito.

Ilan sa mga lugar na nakitaan ng nasabing tarpaulin ay sa footbridge sa bahagi ng D. Tuazon sa Quezon City.

Ipinagdiriwang ngayon ng bansa ang ikalawang anibersaryo ng pagkakapanalo ng Pilipinas laban sa China sa International Tribunal kaugnay ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

 

TAGS: China, Pilipinas, UN tribunal, West Philippine Sea, China, Pilipinas, UN tribunal, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.