Drone na may mga granada lumapag sa bahay ng top security official sa Mexico

By Rohanisa Abbas July 12, 2018 - 11:52 AM SHARE(S):

Lumapag sa bahay ng isang top security official ang isang drone na may dalawang granada sa Tecate City sa Baja California, Mexico.

Ayon sa mga opisyal, lumapag ito sa bahay ni Gerardo Sosa Olachea na public security minister ng Baja California.

Sinabi ni Sosa na nadiskubre ito ng mga pulis na nagbabantay sa kanyang bahay.

Hindi naman sumabog ang dalawang granda.

Pinaniniwalaang ginawala lamang ito para takutin ang opisyal.

Ayon kay Sosa, hindi niya ginagamit ang naturang bahay sa Tecate City at madalas siyang nasa Mexicali.

Si Sosa ay kilala sa paglaban sa mga drug cartel.

TAGS: Baja California, Mexico, Baja California, Mexico

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.