Pulis patay sa pananambang sa Cebu

By Rohanisa Abbas July 12, 2018 - 11:40 AM SHARE(S):

Patay ang isang pulis matapos tambangan sa Tabuelan, Cebu.

Kinilala ang biktima na si PO1 Avita “Jiji” Sarsuelo na nakatalaga sa Provincial Admin Holding Unit ng Cebu Provincial Police Office.

Ayon kay PO2 Jerome Mellor, Desk Officer ng Tabuelan Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen ukol sa pamamaril sa Barangay Poblacion.

Naganap ang insidente pasado alas-5:00 kaninang umaga.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang motibo at suspek sa insidente.

 

TAGS: ambush, cebu, ambush, cebu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.