Bilang ng mga pulitikong nasa narcolist ng PDEA nabawasan

By Rohanisa Abbas July 12, 2018 - 10:54 AM

Nabawasan na ang bilang ng mga pulitikong nasa narcolist ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Mula sa 96, nasa 87 na lamang ang narcopoliticans sa listahan ng ahensya.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, kasunod ito ng mga pagpatay at pagbaba sa pwesto ng ilang mga opisyal.

Kabilang dito si Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili na binaril noong July 2.

Tinanggal na rin sa narcolist ang siyam na dating pulitiko matapos nilang bumaba sa pwesto o dahil sa “natural deaths.”

Kasama sa narcolist ng PDEA ang 67 alkalde at pitong kongresista.

 

TAGS: narcolist, PDEA, Radyo Inquirer, War on drugs, narcolist, PDEA, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.