Konstruksyon ng 2 bagong tulay sa Metro Manila sisimulan na

By Ricky Brozas July 12, 2018 - 10:29 AM SHARE(S):

Sisimulan na ang konstruksyon ng dalawang tulay sa Metro Manila, partikular na ang Estrella-Pantaleon Bridge na mag-uugnay sa Estrella Street sa Lungsod ng Makati at Barangka Drive sa lungsod ng Mandaluyong at Binondo-Intramuros Bridge sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, nakatakdang simulan ang pagtatayo ng dalawang tulay sa susunod na linggo.

Inaasahan umanong matatapos ang dalawang proyekto na parehong popondohan ng People’s Republic of China sa taong 2020.

Ang Estrella-Pantaleon Bridge ay may kabuuang haba na mahigit 500 meters.

Ang Binondo-Intramuros Bridge na dadaan sa Pasig River ay may habang 734 meters.

Sa oras na matapos ang dalawang tulay, inaasahang maiibsan ang traffic sa ilang mga pangunahing tulay sa Maynila, Makati at Mandaluyong.

Nabatid na bahagi ang dalawang tulay ng Metro Manila Logistics Improvement Network na isang traffic management plan na binubuo ng labing dalawang mga bagong tulay na daraan sa Pasig River, Marikina River at Manggahan Floodway.

 

TAGS: DPWH, Makati, Mandaluyong, manila, new bridges in metro manila, DPWH, Makati, Mandaluyong, manila, new bridges in metro manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.