Red warning level itinaas ng PAGASA sa Zambales at Bataan
Dahil sa naranasang malakas at tuluy-tuloy na buhos ng ulan nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa mga lalawigan sa Central Luzon.
Sa rainfall advisory ng PAGASA na inilabas alas 10:00 ng umaga, nakataas ang red warning sa Zambales at Bataan at nagbabala ito ng seryosong pagbaha sa mga mabababang lugar.
Yellow warning naman ang nakataas sa lalawigan ng Pampanga.
Sa iba pang lugar sa Region 3, light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ukan ang nakaaapekto sa mga bayan ng Hagonoy, Paombong, Calumpit, Pulilan, San Rafael, at San Ildefonso sa Bulacan at sa lalawigan ng Tarlac.
Habang light to moderate na pag-ulan din ang mararanasan sa Metro Manila, Nueva Ecija, Cavite at Batangas sa susunod na tatlong oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.