Rescue mission sa Thai football team gagawing pelikula

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 12, 2018 - 09:56 AM

Photo from Royal Thai Navy via AP

Isasapelikula ang kwento ng pagsagip sa 12 mga bata at kanilang coach na na-trap sa kweba sa Thailand.

Inanunsyo ito ng faith-based production house na Pure Flix.

Ang CEO at co-founder ng Pure Flix na si Michael Scott ay nasa lugar na pinangyarihan ng rescue mission sa kasagsagan ng pagligtas sa spccer team

Sinabi ni Scott na dapat lang gawan ito ng storya dahil napaka-inspiring ng nangyari.

May nakausap na rin si Scott sa nasa 90 mga diver na nagsagawa ng rescue mission at maging ang pamilya ng ilan sa mga batang iniligtas.

Sa susunod na mga linggo ikakasa n ani Scott ang mga magsisilbing screenwriters para sa pelikula na popondohan ng $30 hanggang $60 million.

Ang Pure Flix ang nasa likod ng film franchise na “God’s Not Dead” trilogy.

TAGS: Radyo Inquirer, thai cave, Thai Rescue MIssion, Radyo Inquirer, thai cave, Thai Rescue MIssion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.