LOOK: Tarpaulin na may nakasulat na “Welcome to the Philippines, Province of China” ikinalat sa Metro Manila

Sa ikalawang anibersaryo ng pagkakapanalo ng Pilipinas laban sa China sa UN Tribunal sa isyu ng hurisdiksyon sa West Philippine Sea, ikinalat sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ang mga tarpaulin na may nakasulat na “Welcome to the Philippines, Province of China”.

Ipinost sa social media ng mga netizen ang larawan ng mga tarpaulin na kanilang nakitang nakasabit sa mga footbridge sa iba’t ibang lugar.

Isa sa mga nag-post ang nagsabing nakita niya ang tarpaulin sa footbridge sa bahagi ng D. Tuazon sa Quezon City.

Maging si Solicitor General Florin Hilbay ay nagbahagi ng larawan ng tarpaulin.

Ani Hilbay, dapat agad baklasin ang mga ito ng MMDA, lokal na pamahalaan at maging ang mga mamamayan.

Si Hilbay na dating solicitor general ang nanguna noon sa Philippine legal team nang idepensa ang pagmamay-ari ng Pilipinas West Philippine Sea sa UN Tribunal.

Read more...