Inihayag ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang kahandaaan ng kamara sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Hulyo 23.
Ayon kay Fariñas, inayos na nila lahat ng koordinasyon kasama na ang kung hanggang saan papayagan ang media, security at programa para rito.
Bukod sa SONA ay pinaghahandaan din ng kamara ang posibleng paglagda ni Duterte sa Bangsamoro Basic Law.
Kung mararatipikahan ng senado at kamara ang BBL sa unang araw ng sesyon ay posible na pirmahan na rin ito ng pangulo sa kaparehong araw.
Samantala, magkakaroon naman ngayong araw ng inter-agency coordination meeting kung saan matapos ito ay magkakaroon ng walk-thru kasama ang director na si Bb. Joyce Bernal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.