Gilas player Terrence Romeo nasangkot sa gulo sa QC

By Donabelle Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz July 12, 2018 - 08:10 AM SHARE(S):
Jong Manlapaz

Nasangkot sa kaguluhan sa isang bar sa Quezon City ang grupo ng basketball player na si Terrence Romeo.

Dinala sa station 10 ng Quezon City Police District (QCPD) si Romeo maging ang kaniyang mga kasama.

Ayon sa nagreklamong si Clarisse Cabrera, magpapakuha lang sana ng larawan kay Romeo ang kaniyang mister nang makita nila ito sa bar sa Tomas Morato.

Inakala umano nilang ok lang ang lahat, pero bigla na lang nilusob umano ng kasama ni Romeo ang kaniyang mister at saka ito sinuntok.

Isa namang pinsan na babae ni Cabrera ang aniya ay sinuntok ni Terrence.

Isinailalim lang sa pagtatanong si Romeo pero kalaunan ay pinayagan ding umalis sa himpilan ng pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaniyang grupo.

Sa kaniyang maiksing pahayag sa media, sinabi ni Terrence na tignan na lamang muna ang CCTV sa lugar para malaman ang puno’t dulo ng gulo.

Kalaunan sinabi ng QCPD na nagkaayos din ang magkabilang panig at nagkapatawaran na lamang.

TAGS: Gilas Pilipinas, PBA, Terrence Romeo, Gilas Pilipinas, PBA, Terrence Romeo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.