Twitter magtatanggal ng bogus account; users inabisuhang mababawasan ang bilang ng followers

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 12, 2018 - 07:31 AM

Magbabawas ng mga bogus na account ang Twitter na magreresulta sa pagkabawas ng bilang ng followers ng mga user nito.

Sa abiso ng Twitter, sinabihan ang mga user na maaring sa susunod na mga araw ay mapansin nila ang pagbaba ng bilang ng kanilang followers.

Ito ay dahil tatanggalin ng twitter ang mga locked account na anila ay maaring peke o bogus.

Gagawin ang hakbang sa buong mundo.

Ayon sa Twitter pinadalhan nila ng abiso ang mga locked accounts at sinabihang mag-reset ng kanilang passwords para kumpirmahin kung aktibo pa ang mga ito.

Kung mabibigo ang mga user na kumpirmahin na sila talaga ang may-ari ng account ay tuluyan na itong aalsin ng Twitter.

TAGS: locked accounts, Radyo Inquirer, Twitter, locked accounts, Radyo Inquirer, Twitter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.