P5K cash cards sa mga operator ng jeep ipamamahagi ngayong araw

By Rhommel Balasbas July 12, 2018 - 06:37 AM

Ipamamahagi sa jeepney operators simula ngayong araw ng Huwebes ang cash card na layong bigyang ayuda ang jeepney operators.

Ang cash card ay ipamamahagi bunsod ng mataas na presyo ng produktong petrolyo mula nang ipataw ang excise tax simula ng ipatupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Magagamit lamang ang naturang cash card na may laman na P5,000 para sa diesel at hindi sa iba pang bagay.

Kung susumahin ay mayroong P833 pesos ang bawat tsuper kada buwan at P42 pesos naman kada araw.

Target na mabigyan ang nasa 178,000 jeepney operators ng naturang cash card na magagamit mula ngayong Hulyo hanggang sa Disyembre.

Tanggal ang sinumang jeepney operator na gagamit sa naturang cash card sa mga mall o grocery store.

Samantala, ang Landbank at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mamamahagi ng naturang cash cards.

TAGS: cash cards, dotr, jeepney operators, Radyo Inquirer, cash cards, dotr, jeepney operators, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.