Pahayag ni Pangulong Duterte na incompetent si VP Robredo, respetuhin na lang — Malacañan

Umaapela ang Palasyo ng Malacañan sa publiko na resptuhin ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nitong incompetent at walang kakayahan si Vice President Leni Robredo na maging pangulo ng bansa at pamunuan ang Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ibinase ng pangulo ang kanyang banat kay Robredo sa halos 30 taong panunungkulan sa gobyerno.

23 taong naging mayor si Pangulong Duterte, nagsilbi rin ng isang termino bilang vice mayor, at isang terminong kongresista.

Ayon kay Roque, mayroong sariling guidelines at standards ang pangulo sa pagpili ng isang taong gobyerno.

“At iyong assessment naman ni Presidente na incompetent si VP, hindi naman natin maaalis ‘yan dahil halos tatlumpung taon naman nanilbihan sa gobyerno ang ating Pangulo, siguro naman mayroon siyang mga standards ‘no at mayroon siyang mga guidelines ‘no kung sino ang competent at hindi kompitente; at siya nama’y nagsasabi lang kung ano talaga ang saloobin niya. Respetuhin po natin ‘yan dahil ito po’y isang obserbasyon ng isang taong napakahaba ng paninilbihan sa ating gobyerno,” paliwanag ni Roque.

Read more...