Pagsama sa 6 bayan ng Lanao del Norte at 39 barangay sa North Cotabato sa Bangsamoro Region kukuwestyunin sa SC
Nagbanta si Lanao del Norte 1st District Representative Mohamad Khalid Dimaporo na kukuwestyukin sa Supreme Court kung ipagpipilitan na isama ang 39 na barangay sa North Cotabato at anim ba bayan sa Lanao del Norte sa Bangsamoro Region.
Gayunman, sinabi ni Dimaporo na handa naman silang tanggapin kung ano ang magiging desisyon ng Korte.
Nanindigan si Dimaporo na ang 39 na barangay ng North Cotabato at anim na munisipalidad ng Lanao del Norte, na kasalukuyang kasama sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), ay dapat na hindi maisama sa Bangsamoro Region.
Maituturing aniya na unconstitutional kung mapapabilang sa Bangsamoro Region ang mga kinukwestyong lugar.
Sinabi pa ng Mindanaoan solon na nais nito na alisin sa ARMM ang mga nasabing lugar dahil wala namang patunay na bumoto ang mga ito pabor sa ARMM.
Sa inaprubahang bersyon ng Senado, otomatikong mapapasama sa Bangsamoro Region ang nasabing mga lugar kapag bumoto ang mga ito sa plebesito pabor sa inclusion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.