Balak na localized peace talks mas praktikal ayon kay Senador Lacson

By Jan Escosio July 12, 2018 - 12:55 AM

Pabor si Senasor Ping Lacson sa binabalak ng gobyerno na localized peace talks para maayos na ang problema sa New People’s Army (NPA).

Sinabi nito na mas praktikal, mabilis, at makakatipid sa binabalak na istratehiya.

Paliwanag nito, malinaw naman na walang kontrol si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison sa mga rebeldeng NPA at magkakaiba din ang sitwasyon sa mga lugar na may presensiya ang rebeldeng grupo.

Dagdag pa ng senador mas alam ng mga lokal na pamahalaan ang mga pangangailangan ng mga rebelde sa kanilang lugar kaya’t alam nila kung ano ang mas kapaki-pakinabang na alok sa mga ito.

Sinabi pa ni Lacson na kailangan lang ng mas maliwanag na alintuntunin para sa gagawing pakikipag-usap ng mga lokal na pamahalaan at kailangan din na may gabay mula sa pambansang gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.