Naniniwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na mas praktikal kung ipagpapaliban ang midterm elections sa May 2019.
Ito, ayon kay Alvarez, ay upang bigyang daan ang transition para sa panukalang federal form of government.
Paliwanag ng pinuno ng Kamara, magiging mahirap para sa kanila para talakayin ang planong charter change dahil sa mga nakakalendaryong aktibidad kung matutuloy ang eleksyon.
Problema aniya ang pagkakaroon ng quorum sa plenaryo dahil magiging abala na sila sa kampanya.
Iginiit nito na kung prayoridad ang Cha-Cha ay dapat mag-focus dito ang Kongreso.
Sinabi naman ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na kung ang binuong Consultative Committee ay inabot ng apat na buwan para sa draft hindi aniya nila kakayanin na aprubahan ito sa loob ng dalawang buwan.