Hiniling ni Senador Risa Hontiveros sa Senate Committee on Foreign Relations na himayin ang lahat ng sinasabing diplomatic protests na inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China.
Pinagdududahan ni Hontiveros ang pahayag ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano na 50 hanggang 100 diplomatic protests na ang kanilang ginawa laban sa China.
Giit nito, may karapatan ang taumbayan na malaman ang katotohanan at kung may mga ebidensiya para patunayan ang pahayag ng kalihim ng DFA.
Ipinaalala ng senadora na noong nakaraang Mayo sinabi ni Cayetano na ilang dosena na ang inihain na diplomatic protests laban sa China dahil sa panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas, ngunit hindi na ito naipaliwanag ng husto ng kalihim.
MOST READ
LATEST STORIES