Ginebra nakabawi na sa PBA Commissioner’s Cup

By Justinne Punsalang July 12, 2018 - 12:27 AM SHARE(S):

Hindi man maganda ang pagbubukas ng Ginebra Gin Kings sa PBA Commissioner’s Cup ay nakabawi na ang koponan at sa ngayon ay patungo na sa semifinals.

Matapos ang 1-5 na win-loss record sa unang bahagi ng torneo ay hawak na ngayon ng Gin Kings ang 7-game winning streak.

Pagkatapos ng laro kontra sa Meralco Bolts kung saan nagwagi ang Ginebra sa iskor na 104-90, ay sinabi ni LA Tenorio na tama lamang ang panahon kung kailan sila nag-peak sa paglalaro.

Aniya, sa unang bahagi ng torneo ay hindi maganda ang kanilang performance dahil nagpalit sila ng mga imports.

Matatandaang si Charles Garcia ang unang kasama ng koponan ngunit sa kalagitnaan ng torneo ay kinuha na nila si Justin Brownlee na nanggaling naman sa ASEAN Basketball League kasama ang ibang miyembro ng Alab Pilipinas.

Ayon naman kay Ginebra head coach na si Tim Cone, kritikal na ang mga susunod na laro at hindi na dapat sila magpatumpik-tumpik pa. Aniya, kailangan nilang itodo pa ang pagpupursige upang mapanatili ang winning streak.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.