Deadlock sa pagsasabatas ng BBL binasag ng pangulo

Nagkasundo ang liderato ng Senado at Kamara na sundin ang bersyon ng lower house sa panukalang Bangsamoro Basic Law matapos mamagitan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hahayaan ang anim na munisipalidad sa Lanao Del Norte at tatlumpu’t siyam na barangay sa North Cotabato na bumoto para makasali sa BBL territory sa pamamagitan ng referendum na isasagawa ng mother territory areas.

Sinabi ng kalihim na lalagdaan ni Pangulong Duterte ang BBL bago ang kanyang SONA sa July 23.

Matapos ang pakikipagpulong ng pangulo sa liderato ng Kamara at Senado ay kaagad siyang dumiretso sa pulong kasama ang national security cluster.

Pangunahing agenda ng pulong ang ilang mga isyu kaugnay sa galaw ng mga lokal na terorista sa bansa.

Read more...