Naniniwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na mas praktikal kung ipagpapaliban ang midterm elections sa Mayo 2019.
Ikinatwiran ng opisyal na dapat bigyang daan ang transition para sa panukalang federal form of government.
Paliwanag ng pinuno ng Kamara, magiging mahirap para sa kanila para talakayin ang planong charter change dahil sa mga naka-kalendaryong aktibidad kung matutuloy ang eleksyon.
Problema anya ang pagkakaroon ng quorum sa plenaryo dahil magiging abala na sila sa panahon ng kampanya.
Iginiit nito na kung prayoridad ang charter change ay dapat mag-focus dito ang Kongreso.
Sinabi naman ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na kung ang binuong Consultative Committee ay inabot ng apat na buwan para sa draft hindi anya nila kakayanin na aprubahan ito sa loob ng dalawang buwan.