PCOO handa sa imbestigasyon kaugnay sa Chinese shows sa PTV4

By Chona Yu July 11, 2018 - 07:04 PM

Malacañang photo

Tiniyak ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na handa ang kanyang tanggapan maging ang PTV 4 na magpaliwanag sa isasagawang pagdinig ng Senado at Kamara hinggil sa pag-eere ng mga Chinese shows.

Nilinaw ng kalihim na walang mali sa pagpapalabas ng mga Chinese shows hangga’t ang mga laman nito ay may entertainment at information values.

Sinabi pa ni Andanar na maari namang isahimpapawid ng PTV 4 ang anumang foreign shows basta mayroong memorandum of understanding..

Hindi na rin umano bago ang mga foreign shows sa government channel tulad aniya ng mga nakalipas kung saan naipalabas ang ilang Korean shows.

Kinumpirma din ni Andanar na may MOU ang PTV 4 sa Japan, Korea, China habang magkakaroon din ng kasunduan sa Cambodia, Thailand, China, Russia at ang pinakahuli na isinasaayos pa lang ay ang Myanmar.

Binigyang diin ni Andanar na layon nitong lalo pang gumanda ang relasyon ng PCOO sa mga counterpart nito sa ibang bansa.

TAGS: andanar, China, ptv4, andanar, China, ptv4

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.