Boracay bubuksan sa publiko sa October 26

DOT photo

Sa October 26 ay back to business na ang isla ng Boracay.

Sa pagdinig ng House Committee on Natural Resources, sinabi ni Environment Sec. Roy Cimatu na saktong anim na buwan ang inabot ng rehabilitasyon sa nasabing tourists’ spot.

“Categorically, I am telling you that Boracay is no longer a cesspool,” pahayag pa ni Cimatu sa harap ng mga mambabatas.

Ipinaliwanag rin ng opisyal na bilang isang sustainable tourism destination ay pananatilihin nila ang kaayusan sa buong isla at magpapatuloy ang decongestion na kanilang sinimulan.

Bukod sa mahigpit na pagbabantay sa pagpasok ng mga investors sa lugar ay itutuloy rin ng binuong Boracay Inter-Agency Task Force ang medium-term comprehensive ecosystem rehabilitation and recovery program para sa buong isla.

Dagdag pa ni Cimatu, pati ang daloy ng trapiko sa Boracay ay isinaayos na rin bilang bahagi ng rehabilitasyon.

Tumanggi naman ang opisyal na magkomento hingil sa plano ng pangulo na ipamahagi bilang agricultural land ang isla para sa mga lehitimong beneficiaries.

Read more...