Paliwanag ni Roxas, dapat iwasan ni Gordon ang mga katagang ‘isang LP member’ sa pagtukoy nito sa naturang personalidad dahil apektado ang buong partido.
“Sabihin kung sino itong tao na ito para maimbestigahan nami.Kung kinakailangan na patalsikin namin sa partido ay ‘yun din po ang gagawin,” giit ni Roxas.
Handa anila silang parusahan ang sinumang kaalyado na tinutukoy ni Gordon.
Gayunman, naniniwala si Roxas na patuloy lamang silang binabatikos ng ilang grupo dahil umaangat na ang kanilang tambalan ni Rep. Leni Robredo.
Una rito, ibinunyag ni Gordon na may mga miyembro ng LP ang lumpait sa kanya kamakilan upang kumbinsihin siyang maghain din ng disqualification case laban sa senadora na nangunguna sa mga nakaraang presidential survey.