Mga Pinoy binalaan sa crackdown laban sa illegal immigrant ng Malaysian Government

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 11, 2018 - 11:17 AM

Hinihikayat ng embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, Malaysia na mag-avail ng voluntary deportation program kung sila ay walang karampatang permit na hawak sa pananatili sa nasabing bansa.

Sa abiso ng embahada, ang aplikasyon para sa programa ay tatagal hanggang August 30.

Ito ay kasunod ng crackdown ng Malaysian Government laban sa mga illegal immigrant na nagsimula noong July 1.

Ang mga illegal immigrant na boluntaryong magpapa-deport ay maaring mabigyan ng exit pass ng Immigration Department sa pamamagitan nang pagbayad ng RM 400 (Malaysian Ringgit) para sa one-way pass.

Hindi na rin sila ikukulong at hindi na pagbabayarin ng mataas na compound fee.

Babala ng embahada sa mga Pinoy sa Malaysia, madalas ang paglulunsad ng immigration operation sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaya dapat lagging bitbit ang mga dokumento.

Ang mga nahuhuli na overstaying, nagtatrabaho ng walang kaukulang dokumento o gumagamit ng pekeng visa ay sumasailalim sa summary proceedings na tumatagal nang 10 hanggang 15 na araw.

At ang mapapatunayang lumabag sa batas ay maaring mahatulan ng 2 hanggang 6 na buwan na pagkabilanggo.

 

TAGS: DFA, Embassy, Kuala Lumpur, Radyo Inquirer, DFA, Embassy, Kuala Lumpur, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.