NFA nagbukas ng tindahan na magbebenta ng murang bigas sa IPs sa Tarlac

NFA Photo

Binuksan ng National Food Authority (NFA) ang outlet nito sa Capas, Tarlac para magbenta ng libre pero de-kalidad na bigas sa mga Indigenous People.

Ang halaga ng bigas ay mabibili ng mga Aeta mula sa Capas sa halagang P27 lamang.

Matatagpuan ang outlet sa Barangay Sta. Juliana sa nasabing bayan.

Kamakailan nagbukas din ng parehong outlet ang NFA sa Bataan, Pampanga at Bulacan para magbenta ng murang bigas sa IPs, mga informal settlers at sa mga naninirahan sa resettlement sites.

Simula nang ipatupad ang programa, umabot na sa 157 na sako ng NFA rice ang naibenta sa apat na mga outlet.

 

Read more...