Pang. Duterte nakipagpulong din kay Bro. Eddie Villanueva

CREDIT: SAP Bong Go

Matapos ang one-on-one meeting kay CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, sunod naman na hinarap ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jesus Is Lord Bishop Eddie Villanueva sa Malakanyang Martes ng gabi.

Kasama sa private meeting sina Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go, chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at Atty. Angelino Villanueva.

Sa nasabing pulong ipinaliwanag ni Pangulong Duterte kay Villanueva ang kanyang saloobin kaugnay sa sarili nitong interpretasyon sa pagkakakilala nito sa Diyos.

Pinakinggan naman ni Villanueva ang paliwanag ng pangulo.

Pagkatapos ng pulong ng dalawang lider nagpaunlak naman ang pangulo na ipanalangin siya ni Villanueva bago sila tuluyang maghiwalay.

Matatandaang hayagang sinabi ni Villanueva sa isang panayam na nilabag ng Pangulong Duterte ang Saligang Batas matapos ang kanyang kontrobersyal na ‘stupid God’ statement.

 

Read more...