Dingras, Ilocos Norte isinailalim sa state of calamity dahil sa dengue

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 11, 2018 - 08:59 AM

Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Dingras sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue.

Sa loob ng dalawang linggo ay nakapagtala ng 65 kaso ng dengue sa nasabing bayan at isang 6 na taong gulang na bata na ang nasawi.

Nagsagawa na ring ng fumigation activities ang lokal na pamahalaan ng Dingras.

Samantala, sa Itbayat Batanes, nagdeklara naman ng outbreak ng dengue.

Ayon sa municipal health office ng Itbayat, 20 residente nila ang kinailangang isakay ng helicopter ng Philippine Air Force para madala sa ospital.

Mayroon na ring isang bata ang nasawi sa Itbayat.

TAGS: Dingras Ilocos Norte, Health, Itbayat Batanes, Radyo Inquirer, Dingras Ilocos Norte, Health, Itbayat Batanes, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.