Palawan, itinanghal na ‘world’s best island’ sa ikalawang pagkakataon
Sa ikalawang pagkakataon, itinanghal bilang ‘world’s best island’ ang isla ng Palawan ng isang award-winning travel magazine sa Amerika.
Naungusan ng Palawan ang 19 na iba pang mga lugar na sikat din bilang mga travel destination sa pinakahuling Conde Nast Traveler’s Reader’s Choice Awards para sa taong 2015.
TUmanggap ang Palawan ng kabuuang 85.937 na raintg mula sa mga readers ng CNT.
Naging susi sa pagkapanalong muli ng Palawan ang pagpasok ng Puerto Princesa Subterranean River sa new seven wonders of the world, ayon sa CNT.
Bukod sa Palawan, kasama rin sa listahan ng world’s best ng CNT ang mga isla ng Boracay sa lalawigan ng Aklan na nasa ika-labinlimang puwesto at Cebu na nasa ika-labinsiyam na puwesto.
Samantala, Pangalawa at pumangatlo naman sa listahan ng world’s best ang Bora-Bora at Moorea na matatagpuan sa French Polynesia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.