Malakanyang doble-kayod matapos bumagsak ang net satisfaction rating ni Pang. Duterte

By Chona Yu July 11, 2018 - 08:35 AM

Doble-kayod ngayon ang Malakanyang sa pagtatrabaho para mabigyan ng komportableng pamumuhay ang mga Filipino, mapalago ang ekonomiya, malabanan ang korupsyon, kriminalidad at ilegal na droga.

Ito ay matapos bumaba ng labingisang puntos ang net satisfaction ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa social weather stations.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa kabila ng mga numero ay pursigido ang pangulo at ang kaniyang administrasyon na tuparin na mabigyan ng maayos na pamumuhay ang bawat Filipino.

Bagaman bumaba, sinabi ni Roque na maituturing na good pa rin ang ratings ng pangulo.

Kung pagbabasehan ang survey ng SWS na isinagawa ito noong June 27 hanggang 30 na nataon kung saan patapos na ang ikalawang taon ng pangulo sa Malakanyang.

Kung ikukumpara aniya ang positive 45 na rating ng pangulo, mas mataas pa rin ito kumpara sa kaparehong panahon na nakuha nina dating Pangulong Estrada, na nakakuha ng positive 5 noong March 2000, dating Gloria Macapagal-Arroyo na nakakuha ng positive 6 noong November 2002, at dating Benigno Aquino III na nakakuha ng positive 42 noong May 2012.

Iginiit pa ni Roque na sa kanilang mga hamon na kinaharap ng pangulo, ipinakita pa rin sa survey na mataas pa rin ang tiwala ng taong bayan kay Pangulong Duterte lalo na ang mayorya ng mga Filipino sa Metro Manila, balanced Luzon, Visayas at Mindanao.

TAGS: Harry Roque, Rodrigo Duterte, satisfaction ratings, SWS, Harry Roque, Rodrigo Duterte, satisfaction ratings, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.