Mga suspek sa Mayor Bote slay case tukoy na ng PNP

Kuha ni Erwin Aguilon

Mayroon ng artist sketch ang Special Investigation Task Group (SIFT) Bote sa mga suspek sa pagpatay kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ayon kay Police Regional Office 3 Regional Director Amador Corpus, kailangan pa lamang nila itong ipakita sa pamilya ni Mayor Bote.

Gayunman, ayaw pang ilabas ng SITG FB Bote sa media ang mga artist sketch.

Bukod dito, mayroon na rin anya silang mga pangalan ng ilang suspek pero kinukumpleto pa nila ito.

Nauna rito, inihayag ni Nueva Ecija PNP Provincial Director, Sr. Supt. Eliseo Tanding na nasa pito ang kanilang suspek sa krimen.

Posible rin ayon kay Tanding na makapagsampa na sila ng kaso laban sa mga suspek.

Read more...