Hamon ni Pang. Duterte kay VP Robredo: Sabay tayong bumaba sa pwesto

By Chona Yu July 11, 2018 - 08:13 AM

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na sabay silang bumaba sa pwesto kapag nagkaroon na ng transition period at nabago na ang kasalukuyang porma ng gobyerno patungo sa Pederalismo.

Ayon sa pangulo hindi siya magbibigay-daan sa para kay Robredo na pamunuan ang bansa.

Sinabi pa ng pangulo na dapat nakasaad sa draft ng Constitutional Commission na hindi lamang ang pangulong ng bansa ang dapat bumaba sa pwesto kundi maging ang vice president kapag naisulong na ang Pederalismo.

Una rito, sinabi ng pangulo na walang sapat na kakayahan si Robredo na pamunuan ang bansa.

Binuweltahan din ng pangulo ang mga nag-aakusa sa kanya na kapit-tuko sa pwesto kapag naisulong na ang ederalismo.

Ayon sa pangulo ay dapat sabay-sabay silang mangako na hindi kukuha ng anumang pwesto sa pamahalaan kapag naging Pederalismo na ang kasalukuyang porma ng gobyerno.

TAGS: Leni Robredo, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Leni Robredo, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.