Holdaper patay sa engkwentro sa Caloocan
Patay ang isang hinihinalang holdaper matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City.
Ayon sa Caloocan City police, isang babae ang lumapit sa kanila para magsumbong na siya ay hinoldap ng isang lalaki pasado alas 4:00 ng madaling araw ng Miyerkules (July 11).
Nakuha mula sa biktima ang kaniyang wallet at cellphone.
Agad nagkasa ng follow up operation ang mga otoridad at nang makita ang lalaki na tumugma sa diskripsyon ng biktima ay sinita nila ito at hinarang.
Pero agad bumubot ng baril ang suspek at nagpaputok sa mga pulis.
Gumanti naman ng putok ang mga otoridad na ikinasawi ng suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.