11 katao nakaligtas sa plane crash sa Alaska

Nailigtas na ng U.S. Coast Guard ang labingisang katao makaraang bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano malapit sa Ketchikan, Alaska.

Ayon sa tapagsalita ng U.S. Coast Guard, lahat ng sakay ng chartered plane ay ligtas bagaman ilan sa kanila ay nagtamo ng sugat sa katawan.

Makaraang matunton ang kanilang kinaroroonan sa bulubunduking bahagi ng Alaska ay agad nagtungo doon ang rescuers para masaklolohan ang mga sakay ng eroplano.

Agad silang isinakay sa helicopter at saka dinala sa Ketchikan Medical Center.

Nahirapan pa ang mga rescue team dahil sa hindi magandang panahon sa lugar.

Nagawa ng piloto ng DHC-3T Turbo Otter seaplane na alertohin ang mga otoridad makaraang bumagsak ito sa Prince of Wales Island na bulubundukin at maraming puno.

Read more...