1 ang patay, 1 nawawala matapos mahulog sa ilog sa Rodriguez, Rizal

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 11, 2018 - 06:38 AM

Rodriguez MDRRMO Photo

Isa ang patay habang isa pa ang nawawala makaraang mahulog sa ilog ang tatlong katao na sakay ng motorsiklo sa Rodriguez, Rizal.

Ilang oras na nagsagawa ng search ang rescue operation ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Rodriguez makaraang mahulog ang motorsiklong sinasakyan nina Joric Velasco, Eben Selga at Lander Ranara sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan Martes ng umaga .

Kwento ng nakaligtas na si Velasco tinatawid nila ang daanan nang mahulog sila sa nasira nang bahagi ng daan at dumiretso sila sa ilog.

Nakarating sa kabilang bayan ng San Mateo si Velasco sa lakas ng agos ng tubig bago nakaahon at makahingi ng tulong para sa dalawa niyang kasamahan.

Ilang oras matapos ang paghahanap natagpuang wala nang buhay si Ranara sa bayan din ng San Mateo.

Ipagpapatuloy naman ngayong araw ang paghahanap sa nawawala pang si Selga.

TAGS: drowning incident, MDRRMO, Radyo Inquirer, Rodriguez Rizal, drowning incident, MDRRMO, Radyo Inquirer, Rodriguez Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.