NCCA, sinisi ang Zoning Board ng Maynila

June 18, 2015 - 11:56 AM

torre
Radyo Inquirer File Photo

Sinisisi ng National Commission on Culture And Arts (NCCA) ang zoning board ng Lungsod ng Maynila kung bakit lumawig pa ang kontruksyon ng Torre De Manila sa Taft Avenue, Manila.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, abogado ng NCCA, taong 2010 pa ay umiiral na ang Republic Act 10066 o National Heritage Act of 2009.

Sa ilalim ng batas, ino-obliga ang mga local governments na gumawa ng listahan ng mga heritage sites sa kani-kanilang mga lugar at isumite sa NCCA.

Nagtakda aniya ang NCCA ng deadline noong 2013 at sinomang lalabag dito ay may katapat na “criminal penalty.”

Ang listahan ay ilalagay sa Philippine Registry of Cultural Property upang malaman ng publiko kung saan maaaring magtayo ng gusali, ano ang pwedeng i-demolish at ano ang hindi pwedeng i-demolish.

Sa ngayon, pinaghahandaan na ng NCCA ang oral argument sa Korte Suprema na magaganap sa June 30. Ayon kay Angeles magandang pagkakataon ang oral argument para maipaliwanag nila ang bagong batas

Nabatid kay Angeles na noong maglabas sila ng cease and desist order ay 30% pa lamang ng Torre de Manila ang natatapos ng DMCI Homes, ang builder ng condominium building.

“Nag-isyu kami ng cease and desist order noong January and according to their website 30% pa lang ang completed nu’n. From that point on, kung ano ung ang idinagdag nila na trabaho during that
period kino-consider namin ‘yun in bad faith ..hindi sila dapat mag-benefit dun,” Ayon kay Angeles.

Mangangahulugan aniya ito na dapat tibagin o idemolish ang bahagi ng gusali mula noong panahon na inilabas ang CDO.

“nag-attend naman sila (DMCI) ng hearing pero hindi sila tumigil nang construction.” dagdag pa ni Angeles.

Pero kung susundin ang zoning ordinance ng Lungsod ng Maynila pitong palapag lamang ang pinapayagan sa naturang lugar gayunman naglabas ng exemption ang City Council of Manila kung saan pinapayagan
na mas mataas pa sa pitong palapag ang Torre de Manila.

“Yung exemption po kasi e current administration, yung initial permit po inisyu noong panahon ni Mayor (Alfredo) Lim.”

Nalulungkot si Atty. Angeles dahil hindi din sila kinunsulta ng City Council of Manila bago maglabas ng business permit sa DMCI Homes.

Hanggang walang inilalabas na pinal na desisyon ang KS ay hindi pa maaaring ipatibag ang bahagi o buong gusali ng Torre de Manila./ Jimmy Tamayo

TAGS: radyo iquirer, torre de manila, radyo iquirer, torre de manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.