Isa naitalang namatay sa pananalasa ng bagyong Gardo

By Len Montaño July 10, 2018 - 11:06 PM

Isa ang naiulat na nasawi sa gitna ng malakas na ulan dahil sa pinalakas na habagat ng bagyong Gardo.

Sa Laoag City, Ilocos Norte, natagpuang patay ang isang babae matapos malunod sa isang irigasyon.

Kinilala ang biktima na si Jenny Simeon, 35 taong gulang.

Nabatid na nagkaroon ng epileptic episode si Simeon habang nasa labas ng kanilang bahay sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Nahulog ito sa irrigation system na hanggang leeg ang lalim at tuluyan itong nalunod nang umabot sa pinakamalalim na bahagi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.